Ang nominasyon para sa Bayaning Pilipino 2011 ay opisyal ng binubuksan. Sa taon pong ito, tatlong (3) kategorya ang nakapaloob at ito ay:
1. Bayaning Pilipino
2. Bayaning Gurong Pilipino
3. Bayaning Pamilyang Pilipino
Kung kayo ay may mga karapat-dapat na nominado para sa mga nasabing kategorya, makipag-ugnayan sa numero (02) 426-6496 o kaya naman ay mag-email sa bayaningpilipinoawards@yahoo.com upang maipadala namin sa inyo ang kaukulang soft copy ng nomination form ayon sa kategoryang nais ninyo.
Mahigpit lamang po namin ipinapaalaala na bawal ang self nomination ganoon din ang pag-eendorso ng kamag-anak hanggang sa ikalawang antas.
Ipagmalaki ang lahing Pilipino ... Maging isang Bayani!!!
No comments:
Post a Comment