BAYANING PILIPINO (INDIVIDUAL)
1. Pakikipagkapwa-tao
- May respeto o paggalang sa
pakikitungo sa iba.
- May pakikinig at kabukasan sa
opinyon at pananaw ng iba.
- Marunong tumanggap ng puna at
pagkakamali
- May mapayapang disposisyon.
- May paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat (walang paghuhusga maging sa relihiyon, kulay, kasarian o lahi).
2. Sipag, Tiyaga at Tapang
- Binubuhos ang sarili sa mga proyekto
para sa kapwa.
- May pagpupursige sa kabila ng mga
hadlang.
- May lakas ng loob (courage underfire).
3. Paglilingkod sa Mahihirap at sa Komunidad
- May responsibilidad sa komunidad
- Naniniwala sa kapakanan ng
nakararami.
- Ginagalang at kinikilala ang kanyang
kontribusyon sa komunidad
- Pinagpapatuloy ang mga naumpisahang proyekto at gawain (long term consistency).
4. Katapatan at Karangalan
- Hindi nasangkot o nasasangkot sa
anomang anomalya / iskandalo.
- Ginagampanan ang tungkulin ng
isang mamamayan.
- May pagkilala sa sariling halaga (self worth).
5. May Takot at Pag-asa sa Diyos.
- May kababaang-loob.
- May malalim na pagtanggap sa
sariling limitasyon (walang messianic complex).
- May positibong pagtingin sa buhay; Nananatiling may pag-asa sa kabila ng krisis.
BAYANING KABATAANG PILIPINO (YOUTH)
1. Pakikipagkapwa-tao
- May respeto at paggalang sa kapwa kabataan maging sa nakatatanda man.
2. Sipag at Tiyaga
- Nagpupursige sa mga gawain; May matatag na pangarap sa buhay at nagsisikap sa katuparan nito.
3. Paglilingkod sa Kapwa
- Laging handa.
- May kusang loob na tumulong sa
nangangailangan (sense of volunteerism).
- May malayang pagtataya (sense of
commitment).
- May konkretong proyekto o gawain para sa kapwa o komunidad.
Limitations:
A
Filipino citizen between the ages 15-32 years old at the time of
the nomination period who is actively serving
the community.
4. Katapatan at Karangalan
- Nagsisilbing modelo at inspirasyon sa kapwa niya kabataan maging sa mga mas nakatatanda.
5. May Pananalig sa Diyos
- May positibong pagtingin sa buhay; May tiwala at pananalig sa Diyos.
BAYANING PAMILYANG PILIPINO (FAMILY)
1. Paglilingkod
sa Mahihirap at Komunidad
- Kinakailangan na karamihan
(majority) sa mg miyembro ng pamilya ay kilala bilang mga taong nagsisilbi
(serive-oriented).
- May mga proyektong nakalaan o may
ginagawa para sa mahihirap.
- Ang mga taga-komunidad ay nakikitaan ng pagbabago tungo sa kahinhawahan na dulot ng mga proyektong pinasimulan (impact on community).
2. Ugnayan ng
Pamilya
- May mabuting samahan ang mga
miyembro sa isat'isa.
- May paggalang sa kani-kaniyang personalidad (kasama ang mga kakayahan maging ang mga kahinaan.
3. Katapatan at Karangalan
- Hindi nasangkot o nasasangkot ang sinoman sa pamilya sa anomang / iskandalo (sa komunidad).
BAYANING GURONG PILIPINO (TEACHER)
MGA KATANGIAN
1. Nagsisilbi
Kahit Lampas sa Tawag ng Tungkulin
- May kusang pagsisilbi kahit sa labas ng paaralan patungo sa lipunan.
2. May
Matinding Paniniwala sa Panlipunang Katarungan
- Hindi basta sumasangayon sa
paniniwala ng nakararami.
- Matayog ang paninindigan sa sarili.
- Ipinaglalaban ang prinsipyo sa
buhay.
- Tumutugon sa mga pangkasalukuyang isyu ng panlipunan.
3. Mapagkusang-loob
- May matinding pagtataya para sa
propesyon.
- Kusang nagpapadestino kahit sa mga liblib na pook.
4. Katapatan at
Karangalan
- Iginagalang ng mga mamamayan.
- Hindi nasangkot sa anomang anomalya o iskandaloat sa mga makasariling gawain (e.g. pagpipilit ng mga ibinebentang bagay, pagpapalinis ng sariling bakuran para sa dagdag puntos sa grado, atbp.).
LIMITASYON:
- Hindi kukulangin sa sampung (10)
taon na naipong pagtuturo.
- Mula sa isang Pormal na institusyon.
- Kabilang sa aliman sa mababa (elementary) o mataas (high school) na antas; pampubliko (public) o pampribadong (private) institusyon.
5.
Pagkamalikhain at Pagkamaparaan
- Nagagawan ng paraan ang paggamit ng mga katutubong kagamitan o kung anoman ang mapapakinabangan para maging mas epektibo ang pagtuturo.
6. Nabubuhay sa
Pag-asa
- May positibong pagtingin sa buhay.
- Hindi madaling masiraan ng loob sa
kabila ng mga kakulangan o mga pagsubok sa propesyon.
BAYANING SAMAHANG PILIPINO (INSTITUTION)
1. Paglilingkod
sa Mahihirap at komunidad
Kinakailangan na ang mga proyekto o mga programa ay (a) patuloy na
pinapatakbo: (b) may magandang epekto sa
kalagayan ng komunidad; at (k) may tinutugunang pangkasalukuyang isyu ng
lipunan.; Malakas sa mga miyembro ang “spirit
of volunteerism.”
2. May Sariling
Sikap at Hindi Kinakailangang Umasa sa Iba (Self-Reliant)
Pinagyayaman ang mga nalikom na pera at iba pang resources para
hindi umasa sa iba o sa mga funding agencies habang buhay; May tiwala sa kakayahan ng mga miyembro na
magpatakbo ng samahan.
3. Katapatan at Karangalan
Hindi nasasangkot sa anomang anomalya; Gingalang at kinikilala ang
kanilang kontribusyon sa komunidad.
3. Demokratikong Pamamalakad
Kumikilos at kasangkot sa proyekto ang mga miyembro; Bawat miyembro
ay bahagi ng malakihang desisyon ukol sa pamamalakad ng samahan; Pantay-pantay
ang pagtingin maging sa miyembro o sa mga taga-komunidad
BAYANING BALIK-LINGKOD
General Qualifications
- Once a legal / documented overseas
worker
- Is currently staying in the country
for at least two years now.
- With a noteworthy and outstanding
project/s.
- With known identifiable beneficiaries.
1.
Pakikipagkapwa-tao
- May respeto o paggalang sa
pakikitungo sa iba.
- May pakikinig at kabukasan sa
opinyon at pananaw ng iba.
- Marunong tumanggap ng puna at
pagkakamali.
- May mapayapang disposisyon.
- May paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat (walang paghuhusga maging sa relihiyon, kulay, kasarian o lahi).
2. Sipag,
Tiyaga at Tapang
- Binubuhos ang sarili sa mga proyekto
para sa kapwa.
- May pagpupursige sa kabila ng mga
hadlang.
- May lakas ng loob (courage under fire).
3. Paglilingkod
sa Mahihirap at sa Komunidad
- May responsibilidad sa komunidad /
naniniwala sa kapakanan ng nakararami.
- Ginagalang at kinikilala ang kanyang
kontribusyon sa komunidad.
- Pinagpapatuloy ang mga naumpisahang
proyekto at gawain (long term consistency).
4. Katapatan at
Karangalan
- Hindi nasangkot o nasasangkot sa
anomang anomalya / iskandalo (sa komunidad).
- Ginagampanan ang tungkulin ng isang
mamamayan.
- May pagkilala sa sariling halaga
(self-worth).
5. May Takot at Pag-asa sa Diyos
- May kababaang-loob.
- May malalim na pagtanggap sa
sariling limitasyon ( walang messianic complex).
- May positibong pagtingin sa buhay.
- Nananatiling may pag-asa sa kabila ng krisis.
No comments:
Post a Comment