...

...

Monday, April 4, 2016

Bayaning Pilipino Awards 2000

INDIVIDUAL CATEGORY


Leonida Valera y Cariño (National Winner)
  • Luba, Abra
  • Cordillera Autonomous Region
Siya ay kilala bilang "Nurse" ng kanyang mga ka-nayon. Ito ang katawagang itinatangi ng sino mang nakakakilala sa kanya dahil sa di­matawarang serbisyong kanyang ipinamamalas. Nagsasagawa siya ng ilang mga "minor surgery operations" dahilan sa kawalan ng doktor sa kanilang lugar. Siya na rin ang naging pangunahing takbuhan ng mga tao kung sila'y may nais ipakonsulta sa kanilang kalusugan o karamdaman at pagpapaanak. Sa kabila ng kakulangan ng sapat na pasilidad at gamot, gumawa siya ng paraan upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga pasyente. Hindi naglaon, naitatag ni Nurse ang isang kooperatiba na kilala bilang "Botika Binhi" noong ika-12 ng Nobyembre sa tulong ni Mr. Carmelo Pre. Layunin ng kooperatibang ita na matugunan ang pongangailangan ng kanyang mga ka­nayon sa gamot sa pamamagitan ng pagbili nito sa murang halaga. At ang ilan sa kinikita nito ay naipambibili ng ilan sa kaukulang gamit sa kanilang "health center."

Bukod dito ay nanguna rin siya sa Samahan ng Mga Ina o "Mothers Club Association." Layunin nitong sugpuin ang paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, pagkakaroon ng "curfew hours," pagimplementa ng kalinisan sa komunidad, pagpapalakas ng samahan ng bawat pamilya at pagpapatupad ng katahimikan sa kalaliman ng gabi. Walang takot din niyang sinasalungat ang korapsiyon. Nagkakaloob din siya ng libreng pagpapaaral sa ilang katutubo na may angking talino sa pamamagitan ng pagtutustos sa allowance at renta ng "boarding house."


Iyan si Nurse tunay no bayani! Tunay na kahanga-hanga!


    Fr. Eliseo Mercado, Jr., OMI (Special Award)
    • Cotabato City
    • ARMM
    Sinasabing hindi na dapat pinaparangalan ang mga pari sapagkat tungkulin na nila ang gumawa ng tama sa kapwa. Subalit para sa isang paring nasa isang lugar na pinaninirahan ng mas nakakaraming mga Muslim at Lumads, at naging instrumento pa ng kapayapaan ng tri-­people na mga ito, karapatdapat nga na siya ay parangalan.

    Si Fr. Jun Mercado ay isang peace advocate simula't sapul na siya ay nakatuntong sa lupain ng Mindanao. Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang layunin niya na maipagkaisa ang mga Pilipino sa kaniyang lugar na nahahati ng dahil sa pagkakaiba ng kultura at relihiyon. lIang beses na rin siyang nabigyan ng mga babala sa kanyang buhay subalit patuloy ang kanyang mga gawain.


    Kasalukuyan siyang University Director ng Notre Dame University ng Cotabato City at matagumpay niyang naisama sa programa na pinag-­aaralan din ng mga mag-aaral ang konsepto ng peace process. Ang pamantasan, sa kanyang pamumuno, ay patuloy na nagbibigay ng mga seminars at programang pangkabuhayan para sa mga dating miyembro ng MILF na nagpasyang bumalik sa pamayanan.

    REGIONAL WINNERS
    1. Gerardo Gamez - Sampaloc, Manila (NCR)
    2. Andres Acoba - Bacarra, Ilocos Norte (Region 1)
    3.  Ma. Tessie Pagay - Passi, Iloilo (Region 6)
    4. Lourdes Espina (Deceased) - Bacolod City (Region 6)
    5. Jose Ma. Rocha (Deceased) - Tagbilaran City, Bohol (Region 7)
    6.  Jesus Descalsota - Magpet, Cotabato (Region 12)
    7. Luz Saavedra - Iligan City (Region 12)

    TEACHER CATEGORY

    Emelita Morrok (National Winner)
    • Mabalacat Pampanga
    • Region 3
    Nagsasagawa siya ng isang libreng tutoring sa mahihina niyang estudiyante sa pamamagitan ng pagdalaw niya sa mga bahay nito. Ang pakikipag-ugnayan niya sa mga magulang nito ay naging isang malaking tulong upang higit na matuto ang mga bata.  Kaya ganoon na lamang ang paghanga at pasasalamat ng mga magulang sa kanya. Sa pagsapit naman ng bakasyon ng mga bata, naghahanda rin siva para sa isang libreng pagtuturo doon sa mga batang papasok pa lamang sa unang baitang. Sa klaseng ito ay isinasama na rin niya ang ilan sa kanyang mga estudiyante na medyo nahuli sa mga aralin. Ang gawaing ito ay lubos na ikinasisiya ng mga kapwa guro at nakatataas sa kanya dahil kitang-kita nila ang mga pagpapagal ni Mrs. Morrok para matuto ang mga bata.

    Maging kapwa-guro niya ay hinangaan siya dahil sa pagiging mabait at palakaibigan. Katunayan ay kusa niyang ibinabahagi sa kanila ang mga pamamaraan at kagamitan sa kanyang pagtuturo. Wala na nga atang mahihingi pa ang mga kapwa-guro niya dahil mismong sila ay naging patotoo kung paanong sila ay hinasa sa pagtuturo upang higit silang maging epektibo. Sa kabilang banda, kahit mga magulang, kawani ng eskuwelahan, estudiyante, kapit-bahay, tindera at tindero sa labas ay kaibigan siya. Bakit kamo? Ito ay dahil sa walang kasing tamis niyang ngiti at respeto sa mga ito.

    Madalas din siyang gawin bilang 'demonstration teacher' sa mga seminar at kapag may mga okasyon. Gumawa na rin siya ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino na inilathala sa kanilang journal. Mahigpit din siyang tumutol at nagsagawa ng mga hakbang sa pagkampanya sa pag-iwas sa bawal na gamot, prostitusyon, bandalismo etc. Tumatayo din bilang officer-in-charge kapag wala ang prinsipal. Ginawaran ng pagkilala bilang "outstanding teacher" ng Rotary Club at DECS sa Angeles City at ilan pang pagkilala na humigit kumulang sa dalawampu (20).


    Sa loob ng tatlumpong anim (36) na taon ng pagtuturo, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nananawa!  Para sa kanya, hanggang kaya niya pang magturo kahit paika-ika sa kabila ng kapansanan, tuloy pa rin ang serbisyo.

    REGIONAL WINNERS
    1. Delia Sergio - Donsol, Sorsogon (Region 5)
    2. Segundino Guab, Jr. - Juban, Sorsogon (Region 5)
    3. Leah Apao - Danao City, Cebu (Region 7)
    4. Carmelita Sacabin - Iligan City (Region 12) 

    FAMILY CATEGORY

    Ortega Family (National Winner)
    • Bangued, Abra
    • Cordillera Autonomous Region
    Nagtapos ng B.S. Education si Cecilia, panganay na anak at nagtuloy bilang madre ng Our Lady of Rogate, si Liberato, 39 taon gulang, isang diocesan priest, si Ciirilo Jacinto, 37 taon gulang, nagtapos ng B.S. Education at nagtuloy bilang pari sa SVD congreagation, si Ella, 34 taon gulang, isang registered nurse at nagtatrabaho bilang isang hospital administrator at ang bunsong si Marcel ay 31 taon gulang, isang abugado na nagtapos sa St. Louise University.  Ang pamilya ay pawang mga katutubong "Tinguians."

    Sa gitna ng kahirapan ng pamilya, bukas pa rin ang kanilang tahanan sa pagtulong sa kanilang kapwa "Tinguians," isang uri ng katutubo sa Abra. Kung kaya't ng maging pari si Cirilo, nasalamin niya ang lahat ng ito. Kaya kasama ng kanyang mga magulang, pinangunahan nila ang pagpapalaganap ng kapayapaan sa bawat tribo. Sinusugan pa ito nang ilan pa niyang nakababatang kapatid at mula noo'y naging matahimik at nagkakasundo na ang bawat Tinguians. Kasunod nito ay nagsagawa na rin sila ng mga seminar sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya, retreats, recollections at scholarship program para sa mga batang katutubo na may angking talino. Ang mga batang ito ay pinagkakalooban nila ng allowance at pinatitira sa kanilang bahay ngayon sa Bangued Abra. Si Marcel naman ay nagkakaloob ng free legal service sa lahat ng mga katutubo na walang kaukulang bayad.

    Subalit sabi nga nila, walang bagay dito sa mundo na maituturing na perpekto. Lahat ay nagkakaroon ng lamat. Lamat na siyang nagiging malaking isyu sa ating sarili, pamilya, lipunan at maging sa buong mundo. Ang pamilya Ortega ay nabibilang sa pagkakaroon ng lamat. Dito sinubok ang tunay at wagas na pagmamahalan ng bawat isa.

    Panahon noon nang rehimeng Marcos nang mawalay sa kanilang piling si Fr. Cirilo. Nagtago ito sa bundok at umanib sa samahan ng mga rebelde dahil sa pagtutol nito sa diktadoryang pamamalakad ni Presidente Marcos. Pinili ni Fr. Cirilo ang ganitong paraan upang hindi madamay ang kanyang pamilya. Sa pangyayaring ito, marami ang nagtanong at umusisa sa kanilang buhay ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nila binigyang pansin. Bagkus ay sama-samang nanalangin ang natirang miyembro ng pamilya at doon nila idinulog ang kanilang pagsusumamo na makapiling nilang muli si Fr. Cirilo.  Hindi sila nawalan ng pag-asa at hindi nagatubiling kumapit sa kapangyarihan ng Maykapal. At hindi naglaon, muli nilang nakasama si Fr. Cirilo. Nang matapos ito, sumunod naman ang malungkot na pangyayari kay Cecilia na kung saan ay nawalan naman ito ng pandinig matapos na manggaling sa kanyang misyon sa Africa. Dama ng lahat ang labis na kalungkutan higit lalo ang kanyang mga magulang ngunit nanatili namang lumaban si Cecilia na harapin ang kanyang bagong mundo. Normal na nakapagtatrabaho si Cecilia at sa ngayon ay binabasa niya ang sinasabi ng kanyang kausap sa pamamagitan ng "lip reading."


    Sila ang bayaning katutubong pamilya na nagmula pa sa Poblacion, Lacub Abra. Isang pamilyang tunay na inspirasyon!

    REGIONAL WINNERS
    1. Empiedad Family  - Tagoloan, Misamis Oriental (Region 10)
    2. Bitong Family - General Santos City (Region 11)

    INSTITUTION CATEGORY

    Katotohanan Pagkakaisa Serbisyo, Inc. - KPS (National Winner)

    • General Santos City
    • Region 11
    Naging kalimitang isyu ng mga maralita sa General Santos City ay ang iskuwating. Dito tumugon ang KPS na kung saan ay nagkaloob sila ng mga seminars na napapalooban ng mga pamamaraan kung papaano magkakaroon sila ng sariling lupa. Subalit bago isagawa ito, kinakailangan munang mabuo ang isang KOMUNIDAD upang mabuo ang isang layunin.

    Maraming pag-aaral ang isinasagawa upang magkaroon sila ng kakayanan na maiparating ang kanilang hinaing sa gobyerbno. ...

    Kaakibat ng programang ito, nabuo din ang ECCD (Early Childhood & Development), SLP (Savings & Loan Program), LAPIS (Labor Placement Information System), Bantay Banay, Anak Kultura at IGP (Involvements for livelihood & economic sustainability of urban poor). Sa mga nabanggit na programa, dito kumilos ang KPS sa pamamagitan ng pagtulong nito sa mga batang mahihirap na makapag-aral sa pre-school education. Nakapagsagawa sila ng Multi-Purpose Cooperative upang matuto silang mag-impok. Nagsilbi silang instrumento para sa mga kaukulang trabaho. Napanatili nila ang magandang samahan ng bawat pamilya sa pamamagitn ng pagkakaloob ng counseling, crisis intervention at values re-orientation. Naibaling nila ang atensiyon ng mga kabataan sa makabuluhang pakikilahok sa sining sa teatro at katutubong musika. Humagilap sila ng mga pangkabuhayang programa at istratehiya na magiging daan upang malabanan ng mga maralita ang kahirapan at pagkagutom. Higit sa lahat, naglaan sila ng demokratikong espasyo para sa mga maralita ukol sa mga usa pin ng pamamahala.

    Sa kasalukuyan, ilan sa mga samahan sa Mindanao ay natutunan ng kilalanin ang KPS bilang isang lider na nag-udyok na palakasin ang mga maralita sa masaganang isla na kanilang kinabibilangan.

    REGIONAL WINNERS
    1. Lingkod ER Foundation  - Sampaloc, Manila (NCR)
    2. Banton Multi-Purpose Cooperative - Banton, Romblon (Region 4-B)
    3. Tublijon Farmers Association - Rizal, Sorsogon (Region 5)
    4. Ga-as Farmers Association - Ormoc City (Region 8)

    No comments: