...

...

Tuesday, August 6, 2019

Bayaning Gurong Pilipino 2019


Gary Mosquito; National Winner 2019
  • Brgy. Cabarasan Guti, Tanauan, Leyte
  • Region 8


Bilang guro sa isang mahirap na komunidad hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan nakatuon ng paglilingkod si Sir Gary Mosquito. Malaking problema sa kanilang paaralan ang malnutrisyon. Dahil dito nag-isip sya ng paraan upang mabawasan ang malnutrisyon at matulungan hindi lamang ang mga estudyante pati mga magulang nito.  Naniniwala si Sir Gary na dapat kabalikat ng bawat guro ang mga magulang sa pag-gabay sa mga mag-aaral.  Hindi madali na himukin ang bawat magulang sa paggabay sa mga mag-aaral.  Hindi madali na himukin ang bawat magulang na maglagay ng gulayan sa kanilang tahanan.  May mga hindi rin naniniwala sa kaniyang programa, ngunit hindi siya natinag ng mga ito.

Inumpisahan nya ang “Gulayan para sa Paaralan at Gulayan para sa Kabahayan” program na naglalayong magbigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang magulang ng mga estudyante.  Hangad din nito na magkaroon ng masustansyang pagkain sa hapag ng bawat tahanan. Nagturo sya ng organic farming na kaniya lamang pinagaralan. Sa ngayon, maraming mga magulang na ang may mga pananim sa kanilang mga bakuran at naibebenta na nila ang mga ani.

Hindi lamang siya naging guro sa mga mag-aaral, kundi guro rin ng mga pamilya sa kanilang komunidad.  Patunay si Gary na hndi natatapos ang pagkatuto sa pagtatamo ng kaalaman, pati na rin ang halaga ng kaalaman upang baguhin ang buhay ng ibang tao.


Divina Agustin Dela Cruz; National Finalist 2019
  • Culion, Palawan
  • Region 4-B
Mahigit sampung taon nang nagtuturo si Bb. Dela Cruz sa Lumber Camp elementary School sa Culion, Palawan.

Malayo ang kanilang isala, mahigit kumulang dalawang araw na byahe ng bangka mula sa isla ng Culion.  Karamihan sa mga nakatira ay mga katutubong Cuyonens at Tagbanuas.  Sa lahat ng guro na nagtuturo sa Lumber Camp, siya lang ang tumagal at nakatulong sa pagkakaisa ng mga mamamayan.  Pati mga chieftains at kapitan ay saludo at nakikinig sa kanya.  Dahil sa kaniyang kasipagan at kagustuhan na mas dumami ang mag-aaral sa pamayanan ang mga magulang at mag-aaral ay nahikayat din niya na mag-aral kahit ilang oras pa ang kanilang nilalakad papasok sa paaralan.  Sa mahigit na sampung taon ay napalawak niya ang paaralan at nakapagpatayo ng ilang gusali sa pamamagitan ng paglapit sa iba't ibang mga organisasyon at ahensiya na nag-aabot ng donasyon.





Ryan Homan; National Finalist 2019
  • San Jose Donsol, Sorsogon 4715
  • Region 5
Tunay na malikhain si Sir Ryan sa kaniyang pagtuturo.


Sinisikap niyang mapanatili ang kagustuhan ng mga bata na matuto gamit ang iba’t ibang pamamaraan.  Ilan sa patunay nito ay ang pagkakaroon nila ng Reader’s Garden, Reading Corner/Bed sa bawat bahay, Bankaalaman, Numeracy Garden, at ang kilala na ngayon na Balsa Basa kung saan dinadayo nila ang mga bahay-bahay sa mga tabing ilog para hikayatin ang mga bata na matutong magbasa, kumanta at magkuwentuhan.  Sinasamahan siya ng Balsa boys na tagatulak, at mga Teacher Nanay na nagdadala ng mga pagkain.  Naniniwala si Sir Ryan na mahalaga ang edukasyon sa lipunan kaya kahit malayo sila sa siyudad at maraming mahihirap sa kanilang lugar.  Kailangan niyang gumawa ng mga paraan para mahikayat sila na mag-aral, matuto, at magkaroon ng mas magandang perspektibo sa buhay.







Geraldo 'Jek' Jumawan; National Finalist 2019
  • Payatas, Q.C.
  • NCR

Itinatag ni Gerald Jumawan ang Teatro Oktubre Nueve noong 1999 sa Lagro High School.

Layunin nito na malinang ang talento ng mga kabataan.  Nakalaan ang kaniyang libreng oras sa kaniyang organisasyon upang matulungan ang mga kabataan na gusto pang matuto.  Hindi lang oras niya ang ibinibigay kundi ang sariling pera para sa mga proyekto ng mga bata.  Nagbibigay din siya ng libreng film making workshop at short film festival para sa mga estudyante at out of school yuth.  Bilang isa ring film actor, director at producer, si Sir gerry ay gumagawa ng short films na tumatalakay sa mga pangunahing problema sa komunidad, sa eskuwela at lipunan.





Roquito Panit; National Finalist 2019
  • Nagtipunan, Quirino
  • Region 2

Si Ginoong Panit ay halos dalawang dekada nang guro at kasalkuyang nagtuturo sa Dioryong Integrated School na siya mismo ang nagpatayo at nagtaguyod.

Hindi ito naging madali sa kaniya at ilang taon din niyang hinabol ang mga katutubong Agta para maturuan ang kanilang mga anak.  Nagsimula siya bilang isang volunteer teacher na may bitbit lamang na blackboard at mga chalk.  Ang mga Agta ay nomads, palipat-lipat sila ng tirahan depende kung saan may kabuhayan.  Kalaban din nila ang mga matitinding bagyo sa Aurora at mga kalapit na probinsiya malapit sa Sierra Madre.  Dahil sa kanyang pagpupursige, nahikayat din niyang maisama ang mga katutubo sa malapit sa kalsada kung saan may isang nagmagandang loob na mag donate sa kanila ng lupain para makapagpatayo ng paaralan.  Sa kasalukuyan, malawak na ang kaniyang paaralan na may mahigit kumulang 200 na mag-aaral at lampas sa sampung mga guro.  Patunay si Ginoong Panit na may kabayanihang nag-uugat sa pagmamalasakit sa katutubo.

    REGIONAL FINALISTS
  1. Lord Jane Dordas; Wright Tapaz, Capiz; Region 6
  2. Wendy Egoy; Malaybalay City, Bukidnon; Region 10


No comments: