Renny Boy Takyawan; National Winner 2019
- Brgy. Upper Lumabat, Malungon, Sarangani
- Region 12
Walang mataas na bundok sa isang taong nagnanais na
makatulong sa kapwa. Ang Sitio Olong,
Upper Lumabat Malungon ay isa sa malalayong kabundukan sa Saranggani, umaabot
sa anim na oras na pagsakay sa habal-habal, kabayo at mano-manong paglalakad
upang marating ito. Karaniwan sa mga
residente dito ay bihira lamang magsipagkita-kita dahil sa malaking burol na
humaharang sa sa kanilang mga kabahayan.
Si Renny Boy na kilala ng karamihan ay naninirahan sa
patag subalit ang kanyang puso ay napalapit sa mga taong tila na sa
kawalan. Sa tulong niya at ng kanyang
kaibigan, hinikayat niya ang mga residente ng nasabing komunidad na
magbayanihan upang itayo ang isang eskwelahan.
Ang mga materyales ay mula mismo sa mga nakikita sa kapaligiran gaya ng
kawayan. Ang proyekto ay isinagawa niya
din sa isa pang mas malayong lugar ng Sityo Tandawanan kung saan naging
bayanihan din ang pagbuo ng eskuwelahan.
Ang ilan sa mga gamit sa eskuwelahan gaya ng upuan ay
may kakulangan pa rin sa ngayon kung kaya ang ilan sa mga bata ay nakaupo sa
lapag. Ang mga aklat bagamat kulang ay
napagsumikapan na punan kahit papano sa tulong ng lokal na pamahalaan.
Ang panghihingi ay nangagaling sa paggawa niya ng mga
personal na proposal na ayon sa mga hiling at hinaing ng mga guro na
nagtatiyagang magturo sa naturang komunidad.
Siya mismo ay may sariling pamilya na dapat tugunan
ngunit alam ng kanyang may-bahay ang laki ng puso nito sa pag-abot sa mga taong
patuloy na magiging mangmang kung walang taong tulad niya na magmamalasakit.
Mayrani Hassan; Special Citation 2019
- Brgy. Canacan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay
- Region 9
Nung sumiklab ang labanan sa Marawi, isa si Mayang na
naghanap ng mga donasyon para ipadala sa kaniyang kababayan. Nagsimula siya sa mga maliliit na ambag ngunit nung
nilapitan niya ang Mayor ng kanilang bayan sa Sibugay, binigyan siya ng
P100,000 worth of goods at pinahiram pa ng sasakyan. Kasama ang ilang kaibigan, naglakbay sila
mula Sibugay papuntang Marawi. Halos
dalawang araw din na biyahe sakay ng isang elf truck dala-dala ang kanilang mga
naipong donasyon. Pangarap ni Mayang na
maging social worker para makapagsilbi sa kapwa. Ang oras niya ay nakalaan na
sa pag iisip ng mga gawain para sa kapwa. Ang grupong nabuo niya na nagsimula
lamang sa iilang kababaihan ay naparami na at nakahikayat pa ng mga
kalalakihan.
John Arlo Mayo Codilla; National Finalist 2019
- Purok Belo San Felipe, Tantangan, South Cotabato
- Region 12
Ang kanyang mga adbokasiya ay nakasentro sa mga kaso ng rabies,
tuberculosis at higit sa lahat ay ang Acquired Immune Deficiency Syndrome
(AIDS).
Ang probinsiya na South Cotabato ay wala noon akmang pasilidad
upang magbigay ng kaukulang medikal na atensiyon sa mga biktima ng AIDS. Taong 2013 ay isinumite niya ang kanyang
proposal sa provincial government ukol sa AIDS treatment hub na tinawag niyang
“Dream Weavers AIDS Treatment Hub.”
Hindi ito naging madali sapagkat isa sa malaking hamon sa kanya ay ang
kung saan niya kukunin ang pondo at kung ano ang return of investment nito sa
lokal na pamahalaan sa kanilang lugar. Nakipag-ugnayan siya sa iba’t ibang
lokal na NGOS, pribadong organisasyon at maging foundations sa labas ng
bansa. Dito siya nakapangalap ng akmang
pondo na ipinatayo ng naturang treatment hub.
Ang mga tauhan niya ay pawang mga boluntaryo na positibo sa sakit na
AIDS at mga debotong miyembro ng kanyang samahan noon na “Dream Weavers AIDS
Advocate” bago pa man nasimulan ang treatment hub. Bukas at libre ang serbisyong ipinagkakaloob
ni John sa mga biktima ng AIDS. Ipinaglaban
niya ang mga karapatan nito at itinulak ang pantay na pagtingin sa kanila para
sa isang patas na buhay.
Dara Mae Tuazon; National Finalist 2019
- B8 L21 Talavera St. La Casa Nueva Subd., San Agustin, San Fernando City, Pampanga
- Region 3
Sa mga lansangan at makikitid na pasilyo ng mga tirahan sa Manila
ay tinatawag si Dara Mae ng mga batang lansangan bilang Ate Dara.
Nagsimula ang lahat habang siya ay nasa isang bangketa at
nagmemeryenda sa labas ng UE Manila kung saan isang grupo ng mga batang
lansangan ang humarana sa kanya upang manghingi ng konting limos. Sa halip na lumayo at magpatay-malisya,
masaya niya itong pinanood at nakisabay sa kanilang pag-awit at
nakipag-usap. Hindi niya inalintana ang
kanilang mga amoy at dusing ng pangangatawan kaya naman isang lalake ang
nagka-interes na siya ay kunan na naging viral sa social media.
Naging regular ang kanyang pagtuturo sa mga batang lansangan sa
bangketa hanggang ang unibersidad na kanyang pinapasukan ay personal na
nakipag-ugnayan sa kaniya upang suportahan ito.
Tinawag itong Bangketa UEskwela. Patunay
si Dara Mae na nasa kabataan ang pag-asa ng bansa.
Lowel Andrian Solayao; National Finalist 2019
- San Jose, Pilar, Sorsogon
- Region 5
Nasa ikalawang taon niya sa kolehiyo nang may anonymous donor na
sumuporta sa kanyang pag aaral. Nakilala
lamang niya ito ng makapagtapos siya ng kolehiyo. Dahil dito, ginawa niya itong
inspirasyon para makatulong sa kapwa. Itinayo
niya ang PRC (Pilar Reading Center) upang makatulong sa kapwa kabataan. Naglalayon
ito na maging learning hub para sa mga batang kalye na nangangailangan ng
kaalaman. Mula sa sariling bulsa,
itinaguyod niya ang Center at boluntaryong nagturo sa iba’t-ibang mga
bata. Hinikayat din niya ang mga
kaibigan guro na samahan siya sa adbokasiya para sa edukasyon.
REGIONAL FINALISTS
- Chariz Steffanie; Marikina Heights, Marikina City; NCR
- Cowilyn Joyce Pascual; Silang Cavite; Region 4-A
- Joed Brymon Llauderes; Initao, Misamis Oriental; Region 10
No comments:
Post a Comment