- Zone 5, Centro, Baggao, Cagayan
- Region 6
Kasalukuyan
siyang part time na guro sa St. Paul’s Tuguegarao College of Medicine at
ginagamit niya ang kaalaman upang makapaglingkod sa kawa. Madalas niyang hinihikayat ang mga mag-aaral
na sumama sa kanyang adbokasiya upang mahatiran ng tulong medical ang mga
mamayan sa liblib na pook. Ito’y kanyang
isinasagawa sa isla ng Palaui kung saan mayroon siyang pansamantalang klinika
para sa buwanang konsultasyon at dalawang beses sa isang taon na medical
mission. Ang isla ng Palaui ay malayo sa
Sta. Ana Cagayan, mayroon itong 700 populasyon ngunit walang klinika, ospital
at anumang serbisyong pangkalusugan. Bilang isang community based doctor, libre
ang kanyang serbisyo para sa mamamayan.
Sa
tulong ng Navy, nasimulan niya ang medical/dental mission, dental service at
free clinic sa kanilang detachment.
Katuwang niya ang mga volunteers na buong pusong naglaan ng oras at
nagbahagi ng kanilang mga maliliit na pag-aari.
Nagiiwan din siya ng mga gamot sa Naval base para sa mga pasyente. Karamihan sa mga gamot na ito ay mula sa donasyon
ng mga pharmaceutical companies at mga pribadong indibidwal. Maliban dito ay may libre din siyang klinika
sa Baggao na kanyang pinagmulan kung saan wala din hospital na naipatayo.
Inuuna
ni Leon ang kapwa bago ang kanyang sarili.
Patunay siya na may mga bayaning Pilipino sa pinakaliblib at
pinakamalayong bahagi ng bansa. Mahirap
man abutin ang mga taong nangangailangan ng tulong, handa niyang tawirin ang
dagat, makasalamuha at makapaglingkod lamang.
Marivic Cabigas; National Finalist 2019
Malapit si Engr. Marivic sa mga tao ng Umapad dumpsite.
Mula nang ma-assign siya sa dumpsite na ito, nakita niya ang pangangailangan ng edukasyon para sa mga bata. Nagtayo siya ng Dumpsite Daycare Center upang mabigyan sila ng pormal na edukasyon. Mula sa mga patapon na gamit ay nakapagpatayo siya ng daycare center at ang dating dumpsite ay may chapel at park na para sa mga taong nakatira doon. Hangad niyang mapasaayos ang pamumuhay ng mga mangangalakal doon lalo na ang kanilang mga anak. Dahil may mga projects na ring nagawa si Engineer sa mismong dumpsite, ganap din niyang nabigyan ng karagdagang trabaho ang mga taong naninirahan sa ganitong uri ng komunidad. Maliban dito ay ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga bata sa dumpsite kung saan katulong niya ang kanyang tanggapan sa pagkakaloob ng mga school supplies at libreng uniporme.
Marivic Cabigas; National Finalist 2019
- Lamac, Consolacion Cebu
- Region 7

Ma. Leonor B. Erana; National Finalist 2019
- Jade Cakes & Pastries, Kalye Bisaya Tubig Boh, Bongao, Tawi-Tawi
- ARMM
Bayani kung ituring sa Ma.
Leonor o mas kilala bilang Ate Inday sa kanilang komunidad. Kaisa ang SAF, PNP, Marnies at Navy,
nakpagsagawa siya ng iba’t-ibang outreach program sa kaniyang lugar. Marami siyang pangarap at hindi siya tumigil
hanggat hindi ito natutupad. Nauna na
ang kagustuhan niyang magpagawa ng eskuwelahan.
Kasunod nito ay ang pagpapatayo ng mga karagdagan silid upang higit na
mabigyan ng espasyo ang mga batang pinapaaral dito. Halos araw-araw siyang pumupunta sa kanilang
paaralan upang tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga bata. Abala din siya sa kanilang negosyo na cakes
and pastry shop kung saan pangunahin pinagkukunan nila ng pondo para sa
kanilang paaralan. Maliban dito,
nagsasagawa din sila ng mga medical missions sa mga karatig bayan ng Tawi-Tawi,
Sulu, at Jolo sa kabila ng banta ng panganib.
Jerome 'Jet' L. Torres; National Finalist 2019
- Upper Balulang, Cagayan de Oro City
- Region 10
Malapit sa puso ni Jet Torres ang mga bata lansangan.
Maraming beses na siyang nakipamuhay at nakihalubilo sa mga ito upang higit na manunawaan ang kanilang pangangailangan. Ang "Bridging Dreams Xavier Night School Program" ni Jet ay isang adbokasiya para ang mga kapus-palad na mga batang lansangan ay makatuntong sa isang disenteng eskuwelahan. Para sa kaniya, ang pagkakaloob ng makakain ay panandalian lamang ngunit ang edukasyon ay magsisilbing matibay na sandalan ng mga bata para sa kanilang kinabukasan. Naging hamon man sa kaniya kung paano pananatilihin ang proyekto pero nagbigay naman ito ng lakas sa kaniya upang ipagpapatuloy ang paglilingkod. Maliban sa night school program, nagbibigay din siya ng libreng tutoring classes para sa mga batang kukuha ng final exam ng ALS program. Maging ang scholarship coordination sa kaniyang mga kakilala ay inako niya upang lubos na maisakatuparan ang kanilang mga pangarap.

Zaida Sadain Urao, M.D.; National Finalist 2019
- San Roque, Zamboanga City, Zamboanga de Sur
- Region 9
Si Dr. Zaida Urao ay isang ENT doctor na sa kabila ng kaniyang daily clinic hours ay nakapagsasagawa pa rin ng mga community project.
Nagtapos siya sa kursong medisina sa University of the Philippines. Dito pa lang aktibo na siya sa kanilang organisasyon - ang Pahinungod. Dito siya unang namulat sa kahalagahan ng paglilingkod at pagbibigay ng medical mission. Taong 2017 nang sumali siya sa Kilusang Pagbabago, isang citizen's arm na tumutulong sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan. Pangunahing ginagawa niya ang paglapit sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan para makatulong sa pagbibigay ng mga livelihood programs sa mga marginalized. Naging partner nila dito ang BFAR kung saan siya mismo ang lumalapit at nakikipag-ugnayan bilang Secotral Coordinator ng KP (Kilusang Pagbabago). Nakikipag-ugnayan din siya sa TESDA para makapag-request ng magtuturo ng fishball making, banana chips, at embutido para sa mga piling residente ng barangay. Patunay siya ng maraming kwento ng kabayanihan sa ating bansa.
REGIONAL FINALISTS
REGIONAL FINALISTS
- Ana Maria Bacudio; Singalong, Malate, Manila; NCR
- Angel D. Padron; Bacarra, Ilocos Norte; Region 1
- Zacarias Mansing; Banilad, Dumaguete City; Region 7
- Dennis Bialen; Lambayong, Sultan Kudarat; Region 12
- Neil T. Crespo, M.D.; Kusan, Banga, South Cotabato; Region 12
No comments:
Post a Comment