...

...

Tuesday, August 6, 2019

Bayaning Pilipino sa Japan 2019


Brandon “Randy” Yonaha-Country Winner 2019
  • Ibaraki, Tokyo


It was year 1992 when Brandon “Randy” Yonaha first step foot in Japan.  This man of Japanese descent has been working as a factory worker.  But that’s not the only thing that he does – he is a family man, a brother to many, a mentor to the newbies, and a dear friend of the community.

Kuya Randy as he is called by many, has been a guiding light and counselor to everyone who asked for his help.  The young men working in factories near his area would agree.  With his calm and approachable demeanor, it wasn’t hard for people to be drawn towards him.  Their Kuya Randy took them in and showed them the ropes of what it’s like to be a Filipino factory worker in Japan.  Without having second thoughts, Randy has opened his house to those who needed a home.

Randy works as hard in small groups as he does in big movements.  As a founder of Global Pikons Photography, a group of photography enthusiasts with members all around the globe, they organized the “One Shoot, One Meal” project where the funds raised wre used to help Filipino communities struck by calamities.

The victims of the massive Bohol earthquake and the victims of Bagyong Yolanda from Tacloban were part of their beneficiaries from this project.

As the brains of almost every activity, you would think Randy would be the face of every project; but this silent workers prefers to work behind closed curtains and is never one to be in the limelight.  He is a bulletproof example that one need not be a full-fledged Filipino to have a heart that beats for every Pinoy.


Donna Ann Beltran - Country Finalist 2019
  • Tokyo-to, Suginami-ku Koenji kita

Love is such a powerful force and it is because of love for her kababayans that Donna Ann Beltran transformed into the "Ate Donna" her peers adore and respect.

To live in a foreign country is no easy fit; and being familiar with that struggle, Donna has studied the Japanese laws and culture in order to educate fellow Filipinos who took the same OFW route as her.  Her compassion to help her country-men also  drove her to open a Training School in her hometown in Bataan.  In partnership with TESDA, they currently have 25 scholars in technical skills training.  This training school aims to equip Filipinos with knowledge and skills so that they can have a better chance at landing a good job in Japan.

Surrounding everyone in her path with tender loving care, Donna has provided shelter. clothing, food, and assistance to every Pinoy who sought her help.  Undeniably, she is a committed adviser to her trainees, a supportive daughter to her parents, a loving wife to her husband, and indeed, a hero to every person she has encountered.



Joseph Banal - Country Finalist 2019
  • Shimosakunobe, Takatsu-ku, Kawasaki-shi, Kanagawa-ken

A father figure and a reliable friend rolled into one - that is how Joseph Banal's friends and peers would like to describe him.

this soft spoken but driven man has community service running through his veins.  For the longest time, Joseph and his family, has been very active in helping out the Filipino community.  Being a servant leader, he founded the Dabawenyos Organized Society in Japan (DOSJ) in 2010, an organization that aims to unite all DavaoeƱos residing in Japn.  Their close-knit group also pays homage to their Filipino root by doing fund raising activities in order to send assistance to their kababayans back home.  A big project they were able to finish was putting up a preschool/day care in a far-flung barrio in Mati, Davao.  They continuously show their love for their country-men by actively participating in outreach programs and relief operations whenever calamities hit.

Joseph hopes that he and his organization would be able to help more kababayans in need, whether in Japn or back in the Philippines.  His unrivaled dedication to others makes him their everyday hero.

Bayaning Pilipino sa America 2019


Feed2Succeed – Winner 2019
  • Los Angeles, U.S.A.
  • Epic Youth Leadership Award


They say that the youth is our future, and if it were true, these kids prove that there is much brightness in store for our world.  In 2014, three teenage girls Caroline, Carmina, and Catherine from Los Angeles visited their parents’ birth country.  While on a feeding program in Vigan, their hearts broke when they met 48 school children who were assessed as extremely malnourished.  The experience – so different from the life they have live – shook them to the core and compelled them into action.  Enlisting the help of their friend Tiffany Sato, Feed2Succeed was born.

From the first three dollars they raised to feed one Filipino family, Feed 2 Succeed now has adopted 6 schools where they hold regular feeding programs.  They have also ventured into giving out scholarships to 200 students.  Believing that education is the key to alleviating these children and their families from poverty.

Holding on to the dream that one day no human will ever go hungry, Feed2Succeed has grown their organization and proved that no one is too young to spark compassion that will make a lasting difference in our society.


Kultivate Labs – Finalist 2019
  • San Francisco, U.S.A.
  • Epic Youth Leadership Award


Kultivate Labs is a non-profit organization composed of very passionate individuals with diverse creative talents.

Their project UNDSCVRD aimed to build a cultural district by reclaiming old spots where Filipinos used to stay and transform it into a place of development without displacement.  A group of young people who know their history and deeply in touch with their roots, they aim to bridge generations while putting up businesses at the same time, priding themselves on being economic revolutionaries with a heart.

Kubo – Finalist 2019
  • California, U.S.A.
  • Epic Youth Leadership Award


Kubo, named after the native hut that also signifies a sense of community in Filipino culture, is a forum that connects Filipino-Americans online.

Composed of seven Filipinos who mostly came from UCLA, their dream was to create a home for fellow Filipinos in the digital sphere because they felt that the Filipino culture is underrepresented in American media.  As their online presence gained traction, Kubo not only became a support group to its audiences but also a learning source for those outside the community.

Bayaning Gurong Pilipino 2019


Gary Mosquito; National Winner 2019
  • Brgy. Cabarasan Guti, Tanauan, Leyte
  • Region 8


Bilang guro sa isang mahirap na komunidad hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan nakatuon ng paglilingkod si Sir Gary Mosquito. Malaking problema sa kanilang paaralan ang malnutrisyon. Dahil dito nag-isip sya ng paraan upang mabawasan ang malnutrisyon at matulungan hindi lamang ang mga estudyante pati mga magulang nito.  Naniniwala si Sir Gary na dapat kabalikat ng bawat guro ang mga magulang sa pag-gabay sa mga mag-aaral.  Hindi madali na himukin ang bawat magulang sa paggabay sa mga mag-aaral.  Hindi madali na himukin ang bawat magulang na maglagay ng gulayan sa kanilang tahanan.  May mga hindi rin naniniwala sa kaniyang programa, ngunit hindi siya natinag ng mga ito.

Inumpisahan nya ang “Gulayan para sa Paaralan at Gulayan para sa Kabahayan” program na naglalayong magbigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang magulang ng mga estudyante.  Hangad din nito na magkaroon ng masustansyang pagkain sa hapag ng bawat tahanan. Nagturo sya ng organic farming na kaniya lamang pinagaralan. Sa ngayon, maraming mga magulang na ang may mga pananim sa kanilang mga bakuran at naibebenta na nila ang mga ani.

Hindi lamang siya naging guro sa mga mag-aaral, kundi guro rin ng mga pamilya sa kanilang komunidad.  Patunay si Gary na hndi natatapos ang pagkatuto sa pagtatamo ng kaalaman, pati na rin ang halaga ng kaalaman upang baguhin ang buhay ng ibang tao.


Divina Agustin Dela Cruz; National Finalist 2019
  • Culion, Palawan
  • Region 4-B
Mahigit sampung taon nang nagtuturo si Bb. Dela Cruz sa Lumber Camp elementary School sa Culion, Palawan.

Malayo ang kanilang isala, mahigit kumulang dalawang araw na byahe ng bangka mula sa isla ng Culion.  Karamihan sa mga nakatira ay mga katutubong Cuyonens at Tagbanuas.  Sa lahat ng guro na nagtuturo sa Lumber Camp, siya lang ang tumagal at nakatulong sa pagkakaisa ng mga mamamayan.  Pati mga chieftains at kapitan ay saludo at nakikinig sa kanya.  Dahil sa kaniyang kasipagan at kagustuhan na mas dumami ang mag-aaral sa pamayanan ang mga magulang at mag-aaral ay nahikayat din niya na mag-aral kahit ilang oras pa ang kanilang nilalakad papasok sa paaralan.  Sa mahigit na sampung taon ay napalawak niya ang paaralan at nakapagpatayo ng ilang gusali sa pamamagitan ng paglapit sa iba't ibang mga organisasyon at ahensiya na nag-aabot ng donasyon.





Ryan Homan; National Finalist 2019
  • San Jose Donsol, Sorsogon 4715
  • Region 5
Tunay na malikhain si Sir Ryan sa kaniyang pagtuturo.


Sinisikap niyang mapanatili ang kagustuhan ng mga bata na matuto gamit ang iba’t ibang pamamaraan.  Ilan sa patunay nito ay ang pagkakaroon nila ng Reader’s Garden, Reading Corner/Bed sa bawat bahay, Bankaalaman, Numeracy Garden, at ang kilala na ngayon na Balsa Basa kung saan dinadayo nila ang mga bahay-bahay sa mga tabing ilog para hikayatin ang mga bata na matutong magbasa, kumanta at magkuwentuhan.  Sinasamahan siya ng Balsa boys na tagatulak, at mga Teacher Nanay na nagdadala ng mga pagkain.  Naniniwala si Sir Ryan na mahalaga ang edukasyon sa lipunan kaya kahit malayo sila sa siyudad at maraming mahihirap sa kanilang lugar.  Kailangan niyang gumawa ng mga paraan para mahikayat sila na mag-aral, matuto, at magkaroon ng mas magandang perspektibo sa buhay.







Geraldo 'Jek' Jumawan; National Finalist 2019
  • Payatas, Q.C.
  • NCR

Itinatag ni Gerald Jumawan ang Teatro Oktubre Nueve noong 1999 sa Lagro High School.

Layunin nito na malinang ang talento ng mga kabataan.  Nakalaan ang kaniyang libreng oras sa kaniyang organisasyon upang matulungan ang mga kabataan na gusto pang matuto.  Hindi lang oras niya ang ibinibigay kundi ang sariling pera para sa mga proyekto ng mga bata.  Nagbibigay din siya ng libreng film making workshop at short film festival para sa mga estudyante at out of school yuth.  Bilang isa ring film actor, director at producer, si Sir gerry ay gumagawa ng short films na tumatalakay sa mga pangunahing problema sa komunidad, sa eskuwela at lipunan.





Roquito Panit; National Finalist 2019
  • Nagtipunan, Quirino
  • Region 2

Si Ginoong Panit ay halos dalawang dekada nang guro at kasalkuyang nagtuturo sa Dioryong Integrated School na siya mismo ang nagpatayo at nagtaguyod.

Hindi ito naging madali sa kaniya at ilang taon din niyang hinabol ang mga katutubong Agta para maturuan ang kanilang mga anak.  Nagsimula siya bilang isang volunteer teacher na may bitbit lamang na blackboard at mga chalk.  Ang mga Agta ay nomads, palipat-lipat sila ng tirahan depende kung saan may kabuhayan.  Kalaban din nila ang mga matitinding bagyo sa Aurora at mga kalapit na probinsiya malapit sa Sierra Madre.  Dahil sa kanyang pagpupursige, nahikayat din niyang maisama ang mga katutubo sa malapit sa kalsada kung saan may isang nagmagandang loob na mag donate sa kanila ng lupain para makapagpatayo ng paaralan.  Sa kasalukuyan, malawak na ang kaniyang paaralan na may mahigit kumulang 200 na mag-aaral at lampas sa sampung mga guro.  Patunay si Ginoong Panit na may kabayanihang nag-uugat sa pagmamalasakit sa katutubo.

    REGIONAL FINALISTS
  1. Lord Jane Dordas; Wright Tapaz, Capiz; Region 6
  2. Wendy Egoy; Malaybalay City, Bukidnon; Region 10


Bayaning Kabataang Pilipino 2019


Renny Boy Takyawan; National Winner 2019
  • Brgy. Upper Lumabat, Malungon, Sarangani
  • Region 12


Walang mataas na bundok sa isang taong nagnanais na makatulong sa kapwa.  Ang Sitio Olong, Upper Lumabat Malungon ay isa sa malalayong kabundukan sa Saranggani, umaabot sa anim na oras na pagsakay sa habal-habal, kabayo at mano-manong paglalakad upang marating ito.  Karaniwan sa mga residente dito ay bihira lamang magsipagkita-kita dahil sa malaking burol na humaharang sa sa kanilang mga kabahayan.

Si Renny Boy na kilala ng karamihan ay naninirahan sa patag subalit ang kanyang puso ay napalapit sa mga taong tila na sa kawalan.  Sa tulong niya at ng kanyang kaibigan, hinikayat niya ang mga residente ng nasabing komunidad na magbayanihan upang itayo ang isang eskwelahan.  Ang mga materyales ay mula mismo sa mga nakikita sa kapaligiran gaya ng kawayan.  Ang proyekto ay isinagawa niya din sa isa pang mas malayong lugar ng Sityo Tandawanan kung saan naging bayanihan din ang pagbuo ng eskuwelahan.

Ang ilan sa mga gamit sa eskuwelahan gaya ng upuan ay may kakulangan pa rin sa ngayon kung kaya ang ilan sa mga bata ay nakaupo sa lapag.  Ang mga aklat bagamat kulang ay napagsumikapan na punan kahit papano sa tulong ng lokal na pamahalaan. 

Ang panghihingi ay nangagaling sa paggawa niya ng mga personal na proposal na ayon sa mga hiling at hinaing ng mga guro na nagtatiyagang magturo sa naturang komunidad.

Siya mismo ay may sariling pamilya na dapat tugunan ngunit alam ng kanyang may-bahay ang laki ng puso nito sa pag-abot sa mga taong patuloy na magiging mangmang kung walang taong tulad niya na magmamalasakit.


Mayrani Hassan; Special Citation 2019
  • Brgy. Canacan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay
  • Region 9


Nung sumiklab ang labanan sa Marawi, isa si Mayang na naghanap ng mga donasyon para ipadala sa kaniyang kababayan.  Nagsimula siya sa mga maliliit na ambag ngunit nung nilapitan niya ang Mayor ng kanilang bayan sa Sibugay, binigyan siya ng P100,000 worth of goods at pinahiram pa ng sasakyan.  Kasama ang ilang kaibigan, naglakbay sila mula Sibugay papuntang Marawi.  Halos dalawang araw din na biyahe sakay ng isang elf truck dala-dala ang kanilang mga naipong donasyon.  Pangarap ni Mayang na maging social worker para makapagsilbi sa kapwa. Ang oras niya ay nakalaan na sa pag iisip ng mga gawain para sa kapwa. Ang grupong nabuo niya na nagsimula lamang sa iilang kababaihan ay naparami na at nakahikayat pa ng mga kalalakihan.












John Arlo Mayo Codilla; National Finalist 2019
  • Purok Belo San Felipe, Tantangan, South Cotabato
  • Region 12


Ang kanyang mga adbokasiya ay nakasentro sa mga kaso ng rabies, tuberculosis at higit sa lahat ay ang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). 

Ang probinsiya na South Cotabato ay wala noon akmang pasilidad upang magbigay ng kaukulang medikal na atensiyon sa mga biktima ng AIDS.  Taong 2013 ay isinumite niya ang kanyang proposal sa provincial government ukol sa AIDS treatment hub na tinawag niyang “Dream Weavers AIDS Treatment Hub.”  Hindi ito naging madali sapagkat isa sa malaking hamon sa kanya ay ang kung saan niya kukunin ang pondo at kung ano ang return of investment nito sa lokal na pamahalaan sa kanilang lugar. Nakipag-ugnayan siya sa iba’t ibang lokal na NGOS, pribadong organisasyon at maging foundations sa labas ng bansa.  Dito siya nakapangalap ng akmang pondo na ipinatayo ng naturang treatment hub.  Ang mga tauhan niya ay pawang mga boluntaryo na positibo sa sakit na AIDS at mga debotong miyembro ng kanyang samahan noon na “Dream Weavers AIDS Advocate” bago pa man nasimulan ang treatment hub.  Bukas at libre ang serbisyong ipinagkakaloob ni John sa mga biktima ng AIDS. Ipinaglaban niya ang mga karapatan nito at itinulak ang pantay na pagtingin sa kanila para sa isang patas na buhay.

Dara Mae Tuazon; National Finalist 2019
  • B8 L21 Talavera St. La Casa Nueva Subd., San Agustin, San Fernando City, Pampanga
  •  Region 3

Sa mga lansangan at makikitid na pasilyo ng mga tirahan sa Manila ay tinatawag si Dara Mae ng mga batang lansangan bilang Ate Dara. 
Nagsimula ang lahat habang siya ay nasa isang bangketa at nagmemeryenda sa labas ng UE Manila kung saan isang grupo ng mga batang lansangan ang humarana sa kanya upang manghingi ng konting limos.  Sa halip na lumayo at magpatay-malisya, masaya niya itong pinanood at nakisabay sa kanilang pag-awit at nakipag-usap.  Hindi niya inalintana ang kanilang mga amoy at dusing ng pangangatawan kaya naman isang lalake ang nagka-interes na siya ay kunan na naging viral sa social media. 

Naging regular ang kanyang pagtuturo sa mga batang lansangan sa bangketa hanggang ang unibersidad na kanyang pinapasukan ay personal na nakipag-ugnayan sa kaniya upang suportahan ito.  Tinawag itong Bangketa UEskwela.  Patunay si Dara Mae na nasa kabataan ang pag-asa ng bansa.




Lowel Andrian Solayao; National Finalist 2019
  • San Jose, Pilar, Sorsogon
  • Region 5


Lumaki kapos at hikahos sa buhay si Lowel Solayao.


Nasa ikalawang taon niya sa kolehiyo nang may anonymous donor na sumuporta sa kanyang pag aaral.  Nakilala lamang niya ito ng makapagtapos siya ng kolehiyo. Dahil dito, ginawa niya itong inspirasyon para makatulong sa kapwa.  Itinayo niya ang PRC (Pilar Reading Center) upang makatulong sa kapwa kabataan. Naglalayon ito na maging learning hub para sa mga batang kalye na nangangailangan ng kaalaman.  Mula sa sariling bulsa, itinaguyod niya ang Center at boluntaryong nagturo sa iba’t-ibang mga bata.  Hinikayat din niya ang mga kaibigan guro na samahan siya sa adbokasiya para sa edukasyon.







REGIONAL FINALISTS

  1. Chariz Steffanie; Marikina Heights, Marikina City; NCR
  2. Cowilyn Joyce Pascual; Silang Cavite; Region 4-A
  3. Joed Brymon Llauderes; Initao, Misamis Oriental; Region 10

Bayaning Pilipino 2019

Leon Caculitan, M.D.; National Winner 2019
  • Zone 5, Centro, Baggao, Cagayan
  • Region 6

Kasalukuyan siyang part time na guro sa St. Paul’s Tuguegarao College of Medicine at ginagamit niya ang kaalaman upang makapaglingkod sa kawa.  Madalas niyang hinihikayat ang mga mag-aaral na sumama sa kanyang adbokasiya upang mahatiran ng tulong medical ang mga mamayan sa liblib na pook.  Ito’y kanyang isinasagawa sa isla ng Palaui kung saan mayroon siyang pansamantalang klinika para sa buwanang konsultasyon at dalawang beses sa isang taon na medical mission.  Ang isla ng Palaui ay malayo sa Sta. Ana Cagayan, mayroon itong 700 populasyon ngunit walang klinika, ospital at anumang serbisyong pangkalusugan.  Bilang isang community based doctor, libre ang kanyang serbisyo para sa mamamayan.

Sa tulong ng Navy, nasimulan niya ang medical/dental mission, dental service at free clinic sa kanilang detachment.  Katuwang niya ang mga volunteers na buong pusong naglaan ng oras at nagbahagi ng kanilang mga maliliit na pag-aari.  Nagiiwan din siya ng mga gamot sa Naval base para sa mga pasyente.  Karamihan sa mga gamot na ito ay mula sa donasyon ng mga pharmaceutical companies at mga pribadong indibidwal.  Maliban dito ay may libre din siyang klinika sa Baggao na kanyang pinagmulan kung saan wala din hospital na naipatayo.

Inuuna ni Leon ang kapwa bago ang kanyang sarili.  Patunay siya na may mga bayaning Pilipino sa pinakaliblib at pinakamalayong bahagi ng bansa.  Mahirap man abutin ang mga taong nangangailangan ng tulong, handa niyang tawirin ang dagat, makasalamuha at makapaglingkod lamang.

Marivic Cabigas; National Finalist 2019
  • Lamac, Consolacion Cebu
  • Region 7

Malapit si Engr. Marivic sa mga tao ng Umapad dumpsite.

Mula nang ma-assign siya sa dumpsite na ito, nakita niya ang pangangailangan ng edukasyon para sa mga bata.  Nagtayo siya ng Dumpsite Daycare Center upang mabigyan sila ng pormal na edukasyon.  Mula sa mga patapon na gamit ay nakapagpatayo siya ng daycare center at ang dating dumpsite ay may chapel at park na para sa mga taong nakatira doon.  Hangad niyang mapasaayos ang pamumuhay ng mga mangangalakal doon lalo na ang kanilang mga anak.  Dahil may mga projects na ring nagawa si Engineer sa mismong dumpsite, ganap din niyang nabigyan ng karagdagang trabaho ang mga taong naninirahan sa ganitong uri ng komunidad.  Maliban dito ay ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga bata sa dumpsite kung saan katulong niya ang kanyang tanggapan sa pagkakaloob ng mga school supplies at libreng uniporme.

Ma. Leonor B. Erana; National Finalist 2019
  • Jade Cakes & Pastries, Kalye Bisaya Tubig Boh, Bongao, Tawi-Tawi
  • ARMM


Bayani kung ituring sa Ma. Leonor o mas kilala bilang Ate Inday sa kanilang komunidad.  Kaisa ang SAF, PNP, Marnies at Navy, nakpagsagawa siya ng iba’t-ibang outreach program sa kaniyang lugar.  Marami siyang pangarap at hindi siya tumigil hanggat hindi ito natutupad.  Nauna na ang kagustuhan niyang magpagawa ng eskuwelahan.  Kasunod nito ay ang pagpapatayo ng mga karagdagan silid upang higit na mabigyan ng espasyo ang mga batang pinapaaral dito.  Halos araw-araw siyang pumupunta sa kanilang paaralan upang tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga bata.  Abala din siya sa kanilang negosyo na cakes and pastry shop kung saan pangunahin pinagkukunan nila ng pondo para sa kanilang paaralan.  Maliban dito, nagsasagawa din sila ng mga medical missions sa mga karatig bayan ng Tawi-Tawi, Sulu, at Jolo sa kabila ng banta ng panganib.







Jerome 'Jet' L. Torres; National Finalist 2019
  • Upper Balulang, Cagayan de Oro City
  • Region 10

Malapit sa puso ni Jet Torres ang mga bata lansangan.

Maraming beses na siyang nakipamuhay at nakihalubilo sa mga ito upang higit na manunawaan ang kanilang pangangailangan.  Ang "Bridging Dreams Xavier Night School Program" ni Jet ay isang adbokasiya para ang mga kapus-palad na mga batang lansangan ay makatuntong sa isang disenteng eskuwelahan.  Para sa kaniya, ang pagkakaloob ng makakain ay panandalian lamang ngunit ang edukasyon ay magsisilbing matibay na sandalan ng mga bata para sa kanilang kinabukasan.  Naging hamon man sa kaniya kung paano pananatilihin ang proyekto pero nagbigay naman ito ng lakas sa kaniya upang ipagpapatuloy ang paglilingkod.  Maliban sa night school program, nagbibigay din siya ng libreng tutoring classes para sa mga batang kukuha ng final exam ng ALS program.  Maging ang scholarship coordination sa kaniyang mga kakilala ay inako niya upang lubos na maisakatuparan ang kanilang mga pangarap.


Zaida Sadain Urao, M.D.; National Finalist 2019
  • San Roque, Zamboanga City, Zamboanga de Sur
  • Region 9
Si Dr. Zaida Urao ay isang ENT doctor na sa kabila ng kaniyang daily clinic hours ay nakapagsasagawa pa rin ng mga community project.

Nagtapos siya sa kursong medisina sa University of the Philippines.  Dito pa lang aktibo na siya sa kanilang organisasyon - ang Pahinungod.  Dito siya unang namulat sa kahalagahan ng paglilingkod at pagbibigay ng medical mission.  Taong 2017 nang sumali siya sa Kilusang Pagbabago, isang citizen's arm na tumutulong sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan.  Pangunahing ginagawa niya ang paglapit sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan para makatulong sa pagbibigay ng mga livelihood programs sa mga marginalized.  Naging partner nila dito ang BFAR kung saan siya mismo ang lumalapit at nakikipag-ugnayan bilang Secotral Coordinator ng KP (Kilusang Pagbabago).  Nakikipag-ugnayan din siya sa TESDA para makapag-request ng magtuturo ng fishball making, banana chips, at embutido para sa mga piling residente ng barangay.  Patunay siya ng maraming kwento ng kabayanihan sa ating bansa.


REGIONAL FINALISTS
  1. Ana Maria Bacudio; Singalong, Malate, Manila; NCR
  2. Angel D. Padron; Bacarra, Ilocos Norte; Region 1
  3. Zacarias Mansing; Banilad, Dumaguete City; Region 7
  4. Dennis Bialen; Lambayong, Sultan Kudarat; Region 12
  5. Neil T. Crespo, M.D.; Kusan, Banga, South Cotabato; Region 12










Wednesday, September 13, 2017

Bayaning Pilipino sa Qatar 2016-17

Individual Category

Noli Perez (Winner)
  • Doha, Qatar

In the midst of danger and labor injustice in the Middle East, Noli Perez embraced the true spirit of a hero to save overseas Filipino workers.  For more than a decade in Qatar, he hid his identity under the pseudonym “Veranon” to protect himself and the services he rendered to his fellow Filipino migrants.

Noli silently helped class “C” migrants who were deceived by local agencies in the Philippines.  Most of the cases he handled involved rescue of domestic helpers and those who took their chance to work without the required labor papers.

Noli opened his home to the victims of labor inequality.  He was inspired by the struggle of “Ulo King,” a Filipino worker who literally went to public market to pick shrimp heads to survive hunger.  He searched for the identity of this man and sincerely listened to his story,  He witnessed the situation and immediately offered food and shelter.  But noli wanted to go the extra mile.  He reported the incident to one of the ABS-CBN correspondents and the assistance of our kababayan outside Qatar overflowed.  With his effort, “Ulo King” received repatriation, but more than this, he successfully ignited the innate byanihan spirit of Filipinos abroad.

His selflessness reflects the essence of being a hero; to live for others.  He cannot withstand the suffering of others and turn a blind eye to the abuse, horror, and struggle of Filipino migrants.  Noli fearlessly faced danger to protect the welfare of our kababayan.


Jeanette Gotangogan (Finalist)
  • Doha, Qatar


Working away from home developed the strong empathy of Janette Gotangogan for Overseas Filipino Workers in the Middle East.  With the goal of serving her fellow Filipinos, she accepted the Chairperson seat of Ways and Means Committee of the United Filipino Organization in Qatar.

She conceptualized and pioneered the “Send someone Home Program” for distressed migrant workers.  Through her efforts and close coordination with POLO-OWWA, they were able to provide plane tickets to Filipinos who struggle returning to the country due to labor conflict.

Jeanette established the bridge that connects the Philippine Embassy and other Filipino Community Groups in Qatar.  This connection boosted the process of sending assistance to Filipino overseas in need of help.



Robin Oira (Finalist)
  • Doha, Qatar

The heroism of robin Oira started when he volunteered for the “Microsoft IT Tulay Program” of POLO-OWWA in 2008.  It is a short training program for OFWs in Qatar focusing on computer literacy.  He was an active member of the administration team and helped the office in facilitating the application of Filipinos who wish to enroll.  He also extended his service by creating a marketing strategy to encourage migrant workers to join.

The hard work and genuine intentions of Robin resulted in an increase in the number of enrollees.  Most of the graduates of this program were able to build their own computer business back in the Philippines.  His commitment transformed the lives of many OFWs in the Middle East.

In July 2016, he was appointed Head of Volunteers in DOLE-OWWA IT Program.  Given this new platform, he was able to motivate Filipino workers help their kababayan.

Bayaning Pilipino sa South Korea 2016-17

Individual Category

Katherine Ann Corteza (Winner)
  • Seoul, South Korea

The rich academic experience of Katherine Corteza molded her to be a global hero.  She was an exchange student from the University of the Philippines when she arrived in Korea, and eventually volunteered as counselor and translator for the Filipino community.  She used her voice to discuss several issues such as labor abuse, inequality, and migration problems.

Katherine became a radio news anchor and this platform enabled her to reach a wider range of Filipinos in need of assistance.  With her master’s degree in Sociology, she was chosen to the Director of Itaewon Global Village.  She served multicultural communities including Korean, Filipino, and other Asian countries.

She spearheaded various projects for foreigners living in Korea.  They held classes that facilitated cultural exchange and global understanding between Korean and other nationalities.  With her competencies, Katherine could have served multinational private-owned companies, but she chose to help local communities.

Apart from her directorial responsibilities in Itaewon Global Village, she is also an active member of “601 Habit,” an organization of lady volunteers helping Filipino communities to adjust in Korean culture. 

The heroism of Katherine Corteza is something that we can be proud of.  She used her leadership to share the value of compassion not just to Filipinos but to the world.


Alice Lipata Cho (Finalist)
  • Daegu, South Korea


Alice Cho championed the importance of education to our kababayans in Korea.  Alice teaches English in Daegu.  She is also an active member of their community church where she is able to help her fellow Filipinos by giving peer counseling sessions and promoting activities organized by the Philippine Embassy.

Despite being a busy mother of two boys, Alice is an active member and leader in the Filipino community and is instrumental in uniting Filipinos abroad.  Under her chairmanship of their community, they received a presidential award for preserving Filipino values and culture.





Gennie Kim (Finalist)
  • Incheon, South Korea


Gennie Kim is a counselor at the Danuri Helpline for Married Migrants in South Korea.  They offer translation services, information on acquiring Korean Nationaltiy, Korean Language training, and job opportunities for Filipinos.  Her late-night counseling sessions are deemed unsafe but she was willing to face the risk to be able to help and continuously assist her fellow Filipinos.

Her weekends are spent as translator for migrant workers in Korea.  Her experience as a factory worker in the foreign land enthused her understanding towards the struggle of other people.  In her own little way, she was able to affect the lives of her kababayan.



Rene Medrano (Finalist)
  • Bucheon, South Korea


Since 2006, Rene Medrano played an important role in community building of Filipino migrants in South Korea.  He is the president of Bucheon Filipino Community and their organization brought several livelihood training projects for Filipinos.

He is an advocate of financial literacy.  After he experienced losing money due to his poor business decisions, he wanted to encourage his fellow Filipinos to save money and spend less.  He goes around different communities to teach financial wellness.

Aside from this, he is also an active member of the church, leading fellow Filipinos to be closer to God.